literature

Sa Aking Paghihintay

Deviation Actions

LRgerochi's avatar
By
Published:
2.3K Views

Literature Text

Sa aking Paghihintay
Mga Tula ni Ibraim

Ako’y isang batong matatag sa may sagradong espasyo.
Di mabinag. Di matimbag.
Batong humahalik sa sikat ng araw.
Bilad sa hagupit ng kayang init.
Untiunting natutuyo at tila bibigay na.

Ngunit ako’y kakapit pa rin.

Ako’y isang batong
Sumusubaybay sa mga hilik ng paglubog ng hari.
Habang ang kulimlim ay bumabalot sa himpapawid.
Kinain ang liwanag.
Binulag ang aking kalibutan.

Ngunit sa kanyang paglubog alam kong siya rin ay sisikat.
Nagsasabing may bukas pa uli.
Isa pang pagkakataong maghintay.

Saksi sa mga bagsak ng mga mabibigat na alon.
Maaalat na sampal sa akin.
Untiunting nilulunod ang aking pagkatao.

Ngunit ako rin ay…

Saksi sa pagkulay ng bahaghari sa kalangitan.
Na tila nangaakit upang ako’y tumawid sa kanyang karikitan.
Nagsasabing sa kabila ng kanyang magarang tulay ay ikaw.
Nagbibigay pagasa.

Kahit na ang bagsak at bigat ng bula ng karagatan
Ay di makahiblag sa aking paghihintay.

Ngunit ano itong bulong ng hangin
Mula sa kanyang paglalakbay sa timog.
Nagsasabing tulad ko’y
Ikaw rin ay isang batong naghihintay.
Ikaw rin ay nilipasan
Ng maraming mga paglubog at pagsikat ng haring araw.

Na ika’y saksi rin sa mabibigat na alon.
Kanyang mga sampal iyo ring sinalo.
Na ika’y saksi rin sa pagkulay ng bahaghari.
Sa mga pagasang bigay ng magarang tulay.
Na tulad ko ay nilumot ka na rin ng maraming bukas.

Ngunit tila binagsakan ng kung ano.
Dahil sa pagbulong ng kaibigang hangin
Ang iyong paghihintay ay hindi para sa akin.

Ngunit bakit tila sa parehang espasyo ako’y habang buhay na nananatili?
Naghihintay.

Elgero. 03.13.05.10:58AM
Written in Filipino, "Sa Aking Paghihintay" tells the story of a man who pointlessly awaits for his love. He has given his best and all for this girl... but tragically ends with the man finding out that the woman of his life waits for someone else.
Sad....hehehehe.
© 2005 - 2024 LRgerochi
Comments2
anggee's avatar
can't understand the poem but from the summary, it sounds really nice!!!!!!
Comments have been disabled for this deviation