literature

Sabay sa Agos

Deviation Actions

LRgerochi's avatar
By
Published:
285 Views

Literature Text

Saksi ang mga Kuwadrado
Mga Tula ni Ibraim

Sa wakas.

Ating mga mata’y nagsalubong na.
Ang palibot ay untiunting binalot ng ewan.
At sa loob ng kuwadradong ito.
Naiwan sa kulimlim ng katahimikan.

Tayo ay magtatagpo.

Habang ang indigong dilim
Walang pansing tinahak ang kalangitan.
Kinain ang liwanag.

Habang ang mga bituin
Mala-diyamanteng nagsikislapan
Mga palamuti ng ating ibabaw.

Habang ang Reynang Luna
Humihimpapawid sa bubong ng kalibutan.

Ako iyo’y kilalanin.

Aking mga kamay ay aking ini-aabot.
Aking puso’y sa iyo’y aking ini-aalay.
Hayaan mo akong hagkan ka
Sa aking mga braso’y ika’y ligtas.

Hawakan mo ang aking mga kamay.
Samahan mo ako.
Tahakin natin itong bagong landas.
Sabay nating tawirin ang galit na mga agos.
Sabay nating tawirin ang bagsik ng hangin.
Sabay nating tawirin ang bugso ng ulan.

Ihatag mo sa akin ang iyong tiwala.
Tayo ay lilipad sa mundong walang katapusang kasing ganda’t payapa

Ika’y humawak na’t ito’y ating mararating
Habang ang araw
Ay untiunting maghahari uli
Sa labas ng kuwadradong ito.

Elgero.03.12.05. 11:37 pm
Filipino Poetry comes alive in me lately... sorry for those who are unable to understand. But somehow, I hope you'd be contended with my summary of it in english.

"Sabay sa Agos" is a story of two lovers who is about to share their love for each other. The man in the poem who is the speaker, assures his woman of his genuine love for her. Now... as the radiant moon and the diamond-like stars rise in the heavens...witness the lovers as they share their passion for each other, until they, the spectators sets, and the sun spills his ray in the east.
© 2005 - 2024 LRgerochi
Comments4
7Monstrance's avatar
part grabe nagyd ni imo ya....

in love kagyd ya?

baskog style mo nagamit sa poem....

intriguing...

:meditate:
Comments have been disabled for this deviation